Sim card registration, gawing mandatory – Sen. Bato

Sinuportahan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang pagsasabatas ng panukalang Senate Bill No. 2395, or the SIM Card Registration Act, na nag-aatas sa mandatory registration ng SIM card o subscriber identity or identification module, bago makabili.

Sa kanyang co-sponsorship speech, sinabi ni Dela Rosa na malaki ang maitutulong ng mandatory registration ng SIM cards laban sa paggawa ng online fraud o krimen.

“With the proposed measure…SIM card registration shall now be mandatory as a prerequisite for the sale thereof, including all existing SIM card subscribers with active services who shall likewise be required to register with their respective Public Telecommunications Entity,” ayon kay Dela Rosa.

Sinabi ng dating chief ng Philippine National Police na ginagamit ngayon ang cellphone ng mga scammers at terrorists elements sa ilegal na aktibidad.

Tinukoy ni Dela Rosa ang pangyayari noong nakaraang taon na mayroong 10 rides ang nagdeliber ng P20,000 halaga ng food items sa isang residente ng subdivision sa Las Pinas City na nagsasabing may umorder sa kanila sa pamamagitan ng food delivery app.

“Sadly, when these instances happen, there is no way we could identify the perpetrator and, thus, our delivery riders are left with no choice but to bear the burden of losing their hard-earned money,” giit ni Dela Rosa.

Ayon pa kay Dela Rosa, ginagamit din ang cellphone sa bombing activities ng mga pinaghihinalaang terorista tulad ng pangyayari nong Enero 27,2019 na nakita sa isang security footage na isa sa nagbomba ang may hawak ng cellphone na pinaniniwalaan nag-triger ng pagsabog na tinudla ang dalawang simbahan sa Mindanao.

“By using unregistered SIM cards, criminal elements can conveniently hide their identities because “once the prepaid SIM card is disposed, there is no way for us to identify the perpetrator,” aniya.

“It (SBN 2395) is a huge step to deter the commission of crimes in the country,As the famous saying goes, ‘Prevention is better than cure’,” giit pa ni Dela Rosa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.