Sinovac vaccine unang gagamitin sa PH vaccination program

Kinumpirma ng Malakanyang na ang bakunang gawa Sinovac ng Tsina ang unang bakuna na gagamitin ng Pilipinas sa vaccination program nito.

“Yes, i can confirm. It looks like Sinovac will be the first vaccine that we will used in our vaccination program,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque sa ginanap na press briefing sa Malakanyang ngayong Lunes.

Sa kapapasok lamang din na balita habang isinusulat ito ayon inaprubahan na ng Food and Drug Administation ang emergency use application ng Sinovac sa bansa.

Sa kabilang dako sa tanong naman kung ano ang mangyayari sa mga bakunang Pfizer at AstraZeneca ay sinabi ni Sec. Roque na may natanggap na silang notice mula sa World Health Organization (WHO) na ang AstraZeneca ay darating sa bansa sa katapusan ng Pebrero.

Subalit may babala rin na maaari itong ma-delay dahil sa logistical challenges.

Para naman sa Pfizer ay sinabi ni Sec. Roque na wala pa aniya itong kasiguraduhan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.