Sistema sa pagkakaroon ng maayos na food donation, pinapanukala ni Sen. Pacquiao

Naghain si Senator Manny Pacquiao ng isang panukalang batas, na layong bumuo ng isang sistema para maayos na makapagtulungan ang pamahalaan at ang pribadong sektor na malabanan ang kagutuman, lalo na sa mga panahon ng sakuna, kalamidad at national emergencies.

Sa ilalim ng Senate Bill 1364 o ang panukalang Food Waste Reduction Act ng senator, bubuo ng isang sistema para mabawasan ang pag-aaksaya ng pagkain sa pamamagitan ng food donation.

Sa ilalim ng panukala, imamandato ang mga food business na i-donate ang kanilang mga ligtas at makakain pang sobrang pagkain sa mga food bank at charity, samantalang ang mga hindi naman makakain ng food surplus ay dapat gawing fertilizer o compost imbes na itapon ang mga ito.

Nakasaad rin dito, na hindi papatawan ng donor’s tax ang mga magdo-donate na mga negosyo.

Papatawan naman ng multang P500,000 hanggang P1 milyon, ang mga magbibigay ng mga pagkaing hindi na maaaring kainin, ang mga haharang sa donasyon sa food banks o waste management at recycling enterprises, at ang mga magbebenta ng mga edible at inedible food surplus.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.