Sitwasyon ng COVID sa Manila, nakakaalarma na – Mayor Isko

Aminado si Manila Mayor Isko Moreno na ‘alarming’ na ang COVID-19 situation sa Manila.

Ito ay matapos na muling makapagtala ang Manila ng 196 positive cases sa loob lamang ng isang araw.

Sinabi pa ng alkalde, na sa ngayon ay 36 percent na ng bed capacity ng anim na ospital na pinatatakbo ng pamahalaang lungsod ang nagamit.

Habang ang quarantine facilities aniya ay 61 percent na ang okupado.

Sinabi ni Moreno, na sa 371 bed capacity sa isolation facilities, 225 ang okupado ngayon.

Muli namang nanawagan si Mayor Isko Moreno sa mga residente ng lungsod, na isuot ng tama ang face mask at pairalin ang social distancing.

Patuloy naman ang libreng RT-PCR testing sa Manila.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.