Smart at Globe Telecom, binigyan ni Pangulong Duterte ng hanggang Disyembre upang ayusin ang kanilang serbisyo

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga telecom companies na ayusin ang kanilang ibinibigay na serbisyo sa publiko dahil kung hindi ipasasara niya ang mga ito.

Sa ika-limang State of the Nationa Address (SONA) ni Pangulong Duterte, partikular nitong binanggit ang Smart at Globe.

Binigyan sila ni Pangulo ng hanggang Disyembre ngayong taon upang ayusin ang kanilang serbisyo at linya na binabayaran ng publiko.

“Kindly improve the services before December. I want to call Jesus Christ to Bethlehem. Better have that line cleared.” —Pangulong Duterte.

Sabi ni Pangulong Duterte, gumawa raw ng paraan ang mga ito upang paigtingin ang kanilang serbisyo dahil kung hindi ay babawiin ng pamahalaan ang linya ng mga ito.

“Maghanap kayo because if you are not ready to improve and… I might just as well close all of you and we revert back to the line telephone at kukunin ko ‘yan, i-expropriate ko sa gobyerno.”

Ayon pa sa Pangulo, sa natitira niyang huling dalawang taon sa serbiyo, tututukan ng pamahalaan ang pagsasaayos ng telecommunications ng Pilipinas.

“Tell us now if you cannot really improve on it because I will work by December. I have two years. The next two years will be spent improving the telecommunications of this country without you. I will find a way. I will talk to Congress and find a way how to do it.” —Pangulong Duterte.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.