Soft copy ng approved 2021 budget sa Kamara, ipinanawagan ng Palasyo sa Kongreso

Nakiusap ang Malacañang sa Kongreso na sana’y kahit soft copy pa lamang ng kanilang inaprubahang 2021 budget ay ipadala na nila sa Senado.

Sa harap ito ng pangamba ng Senado na baka kulangin sila ng panahon para mabusisi ang pambansang pondo kung October 28 pa hanggang November 5 nila matatanggap ang bersyon ng Kamara.

Soft copy o printed copy ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang magiging sentro ng diskurso sa Senado.

Ang kailangan lang ani Roque na matiyak ay pinal na ang nasa soft copy para masigurong hindi na magkakaroon ng aberya gaya noong nangyari aniya sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na nagkaiba ang printed sa soft copy.

Dagdag ni Roque na kapag 3rd at final reading na ay considered na ito as certified bill na isang bersyon na hindi na dapat mabago.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.