Solgen Calida, pinababasura ang mga petisyong inihain sa SC vs Anti-terror law

Hiniling ng Office of the Solicitor General sa Korte Suprema na ibasura nito ang mga mosyon laban sa Anti-Terrorism Act dahil sa umano’y “utter lack of merit.”

Sa isang pahayag, sinabi ng OSG na naka-depende ang mga petisyon laban sa batas “primarily on baseless allegations of vagueness of the law, unjustified fears of abuse, and imagined conjectures.”

Ilang grupo at indibidwal ang nagpahayag ng kanilang pag-aalala na maaabuso ang naturang batas at magamit ng mga otoridad na habulin ang mga nagpo-protesta at hindi sumasang-ayon dahil sa hinalang maaaring terorista ang mga ito.

Ilan sa mga tumutol sa bagong batas si Vice President Leni Robredo, na naunang humimok sa publiko na kuwestiyunin sa Korte Suprema ang constitutionality ng batas.

Bago ito lagdaan, higit 250 grupo mula sa iba’t ibang sektor ang umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ito, partikular na sa pagkuwestiyon sa Section 29.

May kapangyarihan umano ang Anti-Terror Council na iutos ang pag-aresto at pagkulong sa “suspected terrorists” at hindi ng korte.

Pinapayagan ding maaresto at makulong ang hinihinalang terorista at nang walang warrant hanggang 24 araw.

Kinuwestiyon din ng ilang grupo sa iba’t ibang sektor ng bansa ang Section 29, kagaya ng mga negosyante, academe, mga abogado, kabilang si retired Supreme Court senior associate justice Antonio Carpio, at United Nations Human Rights chief Michelle Bachelet.

Sa isang consolidated comment, hiniling din ng OSG na ibasura ang paglalabas ng temporary restraining order (TRO) at writ of preliminary injunction.

Ayon sa OSG, “petitioners do not possess a clear and unmistakable right which will be violated by the passage of the Anti-Terrorism Act.”

“Through this Comment, the OSG likewise wishes to allay the fears of some members of society, and to remind them that the Government should not be perceived as the enemy, but rather as a guardian in safeguarding the Filipino People, and ensuring the enjoyment of all of our constitutionally guaranteed freedoms,” ayon sa OSG.

Binigyang diin din nitong layunin ng batas na “protect life, liberty, and property” from terrorism and “to condemn terrorism as inimical and dangerous to national security of the country and to the welfare of the people.”

“This stems from the general duty of all States to protect individuals under their jurisdiction against interference in the enjoyment of their human rights,” ayon dito at sinabing “the enactment of this law, specifically, is part of the Philippines’ obligation to ensure respect for the right to life and the right to security.”

“The Anti-Terrorism Act is needed to fight the continuous and aggressive security threats brought about by terrorism,” anang OSG.

Sa kabilang dako, siniguro ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr. sa publiko na hindi dapat matakot ang “law-abiding citizens” sa batas. Sa kabila nito, sinabi rin niyang maaaring mga taga-suporta ng mga terorista ang mga kritiko nito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.