Solo-parent, makatatanggap ng scholarship sa ilalim ng inaprubahang panukala ng Kamara

Pinagtibay na sa Kamara ang House Bill 8097 na layong amyendahan ang Republic Act 8972 o ang “Solo Parents Welfare Act of 2000” at bigyan ng dagdag na benepisyo ang solo parents sa bansa.

Sa ilalim ng panukala, mabibigyan ang mga solo parents ng 10 percent discount at exemption sa value-added tax sa mga basic necessities tulad ng gatas, pagkain at gamot ng mga anak.

Entitled din ang mga ito sa 7 days na paid parental leave ano man ang kanilang employment status.

Bukod dito, mabibigyan din ng scholarship program ang kwalipikadong solo parent at full scholarship naman para sa isa nitong anak katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd).

Sakaling may iba pang anak ang solo parent, bibigyang prayoridad naman ang mga ito sa ilalim ng UNIFAST Program.

Mahaharap naman sa multa at mabigat na parusa ang mga indibidwal, korporasyon, ahensya na tatanggi o hindi kikilalanin ang benepisyong nararapat sa mga solo parents.

Umaasa ang mga kongresista na agad ding pagtitibayin ng Senado ang kanilang beryson ng panukala, dahil isa ito sa mga priority legislation na binanggit ng Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.