South Korea nagbigay ng P36.8-milyong medical supplies sa Pinas

Nagbigay ng P36.8 million halaga ng kinakailangang medical supplies ang South Korean government sa Pilipinas para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) response nito.

Kabilang sa donasyon ang 600,000 dekalidad na KF94 masks na nagkakahalaga ng USD500,000 o nasa P24.6 million at pitong walk-though COVID-19 testing booths na nagkakahalaga ng USD150,000 o nasa P7.3 million mula sa Korea International Cooperation Agency (KOICA).

Nagbigay rin ang iba’t ibang Korean company sa pakikipagtulungan sa embahada ng SoKor dito sa bansa ng 1,000 face shields at COVID-19 diagnostic kits na nagkakahalaga ng USD100,000 o P4.9 million.

Pinangunahan ni South Korean Ambassador to Manila Han Dong-man ang pag-turn over kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. nitong Lunes.

Nagpasalamat naman si Locsin sa mga nasabing donasyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.