SP Sotto kay Duque, Humanap ka na ng magaling na abogado mo

Hinikayat ni Senate President Vicente Sotto III si Health Secretary Francisco Duque III na kumuha na ng mahusay na abogado matapos igiit ng kalihim na wala siyang alam sa pagpapatupad ng kuwestiyonableng cash advances ng PhilHealth.

Ayon kay Sotto, may paglabag si Duque sa Article 217 ng Revised Penal Code dahil sa kanyang ‘abandonment’ o ‘negligence’.

“Mula noong March nagre-release kayo ng P14.8 billion hanggang June, chairman ka ng Board. Hindi mo alam? The chairman of the Board leads the agenda of the Board so hindi puwedeng sabihin na hindi mo alam,” pahayag ni Sotto sa online interview ng mga reporter.

“I think Secretary Duque should get a good lawyer because he’s practically admitting guilt to [Article] 217 pag sinabi niyang ‘di niya alam,” dagdag nito.

Ginawa ni Sotto ang pahayag matapos sabihin ni Duque walang basehan ang rekomendasyon ng Senate Committee of the Whole na kasuhan siya, na base lang sa mga alegasyon.

Sabi pa ni Duque, hindi siya “non-voting” chairman ng PhilHealth board.

“I was impleaded on the IRM (interim reimbursement mechanism) when I was not even part of the deliberation and did not sign the said resolution. Ni anino nung aking pirma ay hindi makita,” ani Duque.

Pero giit ni Sotto, hindi ito ang tamang panahon para ibulsa ang pondo ng PhilHealth.

“Mas malaking kasalanan at napakasama ng mangyayari kapag ang Senado nagpikit-mata dito. Kitang-kita natin ang nangyayari. Now is also not the best time to improperly distribute public fund,” ani Sotto.

“‘Di maaalis sa isip ng mga tao na ibinulsa o may nagbulsa nitong perang ito na P14.8 billion,” sambit pa nito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.