SP Sotto sa pagreresign ni PRRD, mga tiwaling opisyal ang dapat na magbitiw sa pwesto

Iginiit ni Senate President Vicente Sotto III na hindi dapat si Pangulong Rodrigo Duterte ang magbitiw sa pwesto kung hindi ang mga tiwaling opisyal at tauhan ng gobyerno.

Ito ang naging reaksyon ng Senate President sa naging pahayag ni Pangulong Duterte kagabi na naisip na aniya nitong mag-resign dahil sa hindi masugpong korapsyon sa pamahalaan.

Naniniwala si Sotto na hindi naman seryoso ang pangulo sa kanyang naging pahayag.

Gayunpaman, iginiit ng senador, halal ng bayan si Pangulong Duterte kaya hindi nito dapat talikuran ang tungkulin na ibinigay sa kanya ng mga Pilipino.

Samantala, sinabi naman ni Senador Panfilo Lacson na sa halip na magbitiw sa pwesto, kailangang maging consistent lamang ng pangulo sa pagpapatupad ng mga anti-graft and corruption laws sa kaniyang mga kaibigan at kalaban.

Pagdating naman sa alok ni Pangulong Duterte na personal siyang dadalo sa mga congressional hearing tungkol sa panukalang batas para mapalakas ang hakbang kontra red-tape sa bansa, sinabi ni Lacson na hindi na kailangan ng presidente na dumalo sa congressional hearing.

Sa ngayon aniya ay kumikilos na ang Senado para mabigyan siya ng mala-Bayanihan law power para matugunan ang problema sa red tape.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.