SP Sotto, Sen. Lacson, di pabor sa mungkahing ilipat sa calamity fund ang pondo para NTF-ELCAC

Tutol sina Senate President Vicente Sotto III at Senador Panfilo Lacson sa panawagan ng mga minority senator na idagdag na lamang sa calamity fund ng bansa ang ₱16.4-billion pesos na pondong inilaan para sa National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-ELCAC) para sa susunod na taon.

Ayon kay Sotto, sang-ayon siyang dagdagan ang alokasyon para sa calamity fund ng bansa pero hindi dapat ito hugutin mula sa anti-insurgency fund.

Marami naman aniyang maaaring pagkuhaan ng pondo kaya hindi dapat galawin ang pondo para sa NTF-ELCAC dahil mahalaga rin ito.

Ganito rin ang pananaw ni Senate National Defense Committee Chair Senador Panfilo Lacson. Pinunto ni Lacson na ang pondong ito ay hindi naman magagalaw ng security sector dahil ang magiging bahagi ng Special Purpose Fund sa ilalim ng Assistance to Local Government Units (ALGU).

Layon aniya nitong paunlarin ang mga barangay na una nang nalinis mula sa impluwensya ng New People’s Army (NPA), gaya na lamang ng pagpapatupad ng farm-to-market roads at livelihood programs, upang mailayo ang mga residente doon sa pagtatangka ng mga NPA na irekrut sila bilang mga miyembro.

Giit ng senador, higit 50 taon na ang problema sa insurgency ng bansa kaya panahon na upang kumilos at pigilan ito.

Samantala, Isinusulong ni Senator Risa hontiveros na mai-realign para sa rehabilitasyon at pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong rolly ang bahagi ng P16 billion, na panukalang pondo para sa Anti-Insurgency fund ng gobyerno sa susunod na taon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.