SP Sotto, sisikaping di matanggalan ng pondo ang NTF-ELCAC

Tiniyak ni Senate President Vicente Sotto III na susuportahan niya ang mga lokal na pamahalaang nananawagan, na huwag alisan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon kasi sa ilang lokal na pamahalaan, kapag tinanggalan ng pondo ang NTF-ELCAC, ay mababawasan ang kanilang pondo para labanan ang insurgency sa kanilang lugar, at maaari pa aniya itong magbunga ng pagkakaroon ng mass base ng mga rebelde sa mga malalayong barangay ng Pilipinas.

Sinabi ni Sotto, na tatrabahuhin niyang hindi matanggalan ng pondo ang Anti Insurgency Program ng gobyerno.

Binigyang diin rin ng senate president, na walang kinalaman ang mga opisyal ng NTF-ELCAC sa pondo, dahil direkta itong napupunta sa mga local government units (LGUs).

Kaya naman ang suhestiyon ng senator, ay alisin na lang ang mga opsiyal na naglalabas ng mga hindi kaaya-ayang pahayag, at huwag nang idamay ang programa ng task force.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.