SP Sotto, suportado ang pahayag ni DFA Sec. Locsin na kumalas ang Pilipinas sa UNHRC

Susuportahan ni Senate President Vicente Sotto III si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sakaling magdesisyon itong kumalas ang Pilipinas sa United Nations Human Rights Council (UNHRC).

Ito ay matapos maglabas ng resolusyon ang UNHRC, na mag-iimbestiga sa mga sitwasyon ng human rights sa bansa.

Ayon kay Sotto, hindi na niya ikakagulat ang magiging desisyon ni Locsin.

Pinunto rin ng senate president ang rason noon ng Estados Unidos sa pagkalas sa UNHRC, ito aniya ay dahil sa hindi patas na pagdedesisyon nito.

Panahon na rin aniya upang suriin ng grupo ang kanilang panuntunan.

Malinaw naman aniyang mas marami ang hindi pabor sa resolusyon.

Base kasi sa botohan, 18 bansa ang pumabor, 15 ang hindi pabor samantalang 15 ang nag-abstain o hindi bumoto.

Giit ni Sotto, base sa resulta, 30 o mas marami ang tutol dahil base sa teknikalidad ay kasama sa bilang ng mga tutol ang mga nag-abstain sa botohan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.