SP Tito Sotto ikinagulat ang di pagsama sa listahan sina Duque at Del Rosario sa PhilHealth cases

Labis na nagulat si Senate President Vicente Sotto III nang hindi kasama sa mga sasampahan ng kaso sa anomalya sa PhilHealth sina Health Secretary Francisco Duque III at resigned PhilHealth senior vice president for the legal sector Rodolfo Del Rosario Jr.

Ayon kay Sotto, kasama ang dalawa sa mga inirekomenda nilang masampahan ng mga kasong administratibo, sibil at kriminal sa pagkakasangkot sa nasabing anomalya.

Subalit sa inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na rekomendasyon ng Department of Justice task force para sa pagsasampa ng mga kaso, nawawala ang pangalan nina Duque at Del Rosario.

“No Duque? No Del Rosario? I’m dumbfounded! Article 217 of the Revised Penal Code is very clear,” pahayag ni Sotto mediamen.

Dahil dito, iniaasa na lang ni Sotto ang pagkakasama ng pangalan ng dalawa sa imbestigasyong isinasagawa naman ng Office of the Ombudsman.

Kabilang sa mga sasampahan ng kaso sina ex-PhilHealth chief Ricardo Morales, Senior Vice President (SVP) Jovita Aragona, Officer in Charge Calixto Gabuya Jr., SVP Renato Limsiaco Jr., SVP Israel Pargas, Executive Vice President and Chief Operating Officer Arnel de Jesus, at Division Chief Bobby Crisostomo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.