SP Tito Sotto, pinatutukoy ang emergency powers na kailangan ng Pangulo sa PhilHealth

Pinapatukoy ni Senate President Vicente Sotto III ang saklaw ng emergency power na hinihingi ni House Committee on Public Accounts chair Mike Defensor upang maresolba ang anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

“Siguro pinakamaganda doon, paalam sa amin, anong emergency powers ang ibibigay na hindi kayang gawin ng Presidente ngayon,” pahayag ni Sotto sa isang interview.

Iginiit din ni Senator Panfilo Lacson na hindi na kailangan pa ng Pangulo ng emergency power dahil mayroong na raw umanong ahensya ang gobyerno para dito.

Matatandaaang inanunsyo ni Defensor nitong Miyerkoles, Setyembre 2, na maghahain siya ng panukala na magbibigay ng emergency power kay Duterte upang maresolba ang isyu sa PhilHealth.

“Emergency powers are limited in time and not in perpetuity… We have not yet formally introduced legislation to be approved by the House and yet they lambast the idea as if they already have a copy of the bill,” giit ni Defensor para sa mga kontra sa panukalang inihain niya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.