SP Tito Sotto, Prangkisa ng telcos, maaaring bawiin ng pamahalaan kung di tutugon sa panawagan ni PRRD

Binigyang-diin ni Senate President Vicente Sotto III ang kanyang babala sa telecommunications companies sa bansa na seryosohin ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Sotto, maraming pwedeng gawin ang gobyerno para mapanagot sila sa hindi pagtugon sa utos ni Pangulong Duterte na ayusin ang kanilang serbisyo.

Kabilang na aniya sa mga hakbang na ito ang posibleng pagbawi sa kanilang mga prangkisa.

Giit ng Senate president, mabilis na lamang ito sa Kongreso at sakaling mangyari ito ay ang ibang mga investor ang magte-take over dito.

Naniniwala naman ang senador na hindi makakaapekto ang banta ng Pangulo sa mga telco sa pagpasok ng mga bagong mamumuhunan.

Giit ni Sotto, hindi matatakot ang mga negosyante basta’t mayroong oportunidad ay papasok sila.

Wala aniyang dapat ikatakot kung kumpleto at maayos naman ang kanilang gagawin.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.