SP Tito Sotto sa VFA, dapat nang ikonsiderang tuldukan sakaling itigil na ng US ang kanilang security aid sa bansa

Dapat pag-isipan ng Pilipinas kung itutuloy pa ang Visiting Forces Agreement (VFA) sakaling magpasa ang Estados Unidos ng isang batas na magsususpinde sa kanilang police at military aid sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III matapos maghain ng isang panukalang batas si Pennsylvania Representative Susan Wild sa US Congress na layong pigilan ang pagpopondo ng US para sa police at military assistance sa Pilipinas dahil umano sa mga human rights violations ng ating pamahalaan.

Ayon kay Sotto, kung matutuloy ito at dapat na nating irekonsidera ang VFA dahil wala na itong magiging silbi sakaling suspindihin ng US ang kanilang security aid.

Kinilala naman ni Senate National Defense Committee Chairman Senador Panfilo Lacson na karapatan ng mga mambabatas ng US na maghain ng naturang panukala bilang miyembro ng US Congress.

Aniya, dapat isipin ng US na malaking bahagi ng ibinibigay nilang security assistance sa Pilipinas ay ginagamit sa paglaban sa terorismo na aniya’y walang kinikilalang border o timing.

Gayunpaman, nagbabala si Lacson na maaari rin itong maging kawalan sa Estados Unidos sakaling aprubahan nila ang naturang panukala.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.