Speaker Cayetano handa nang ibigay ang puwestong House Speakership kay Rep. Velasco

Bagama’t sa Oktubre pa ang pagpapalit ng liderato ng Kamara, sinabi n House Speaker Alan Peter Cayetano na ngayon pa lamang ay inihahanda na nila ang transition para sa pag-turn over nya ng House Speakership kay Marinduque Rep Lord Allan Velasco.

Ang House Speakership sa ilalim ng Duterte Administration ay hinati sa pagitan nina Cayetano at Velasco kung saan 15 buwan sa una habang 21 buwan naman sa huli alinsunod na rin sa napagkasunduan.

Ayon kay Cayetano, walang magbabago at tuloy pa rin ang kanilang hatian ng termino ni Velasco.

“I haven’t seen anything that will make it change.Wala naman kaming pinag-uusapang differently. We’re just quietly working, we’re preparing for that. The House will be ready, and the members naman are resilient regardless kung sino ang speaker,” pahayag ni Cayetano.

Matatandaan na una nang inamin ni Cayetano na handa syang ituloy ang pagiging House Speaker depende sa magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte subalit kung kautusan ng Pangulo na ituloy ang hatian ng termino ay kanya din itong tatanggapin.

Sa kanyang nalalabing araw bilang leader ng Kamara sinabi ni Cayetano ay tututukan nito ang iba pang programa kasama na dito ang pagpasa sa 2021 national budget.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.