Speaker Cayetano muling bumanat kay Robredo ‘less talk, more action’

Nilinaw ni House Speaker Alan Peter Cayetano na ang pamamaraan ni VP Leni Robredo sa giyera kontra droga ang pinupuna niya at hindi mismo ang opisyal.

watch the video here:

Puna ni Cayetano mas madalas pang magpainterview sa media si Robredo imbes na magtrabaho bilang drug czar.

Sa isang TV interview, sinabi ni Cayetano na “wrong mouth” agad ang panimula ni Robredo bilang co-chairperson ng anti-illegal drugs committee ng gobyerno.

Sa pag-upo pa lamang aniya ng Bise Presidente ay kung ano-anong ideya at kritisismo na agad ang naibato niya sa mga ahensya ng gobyerno.

“I’ve been monitoring the last three days and parang from Operation Tokhang, naging Operation All Talk,” ayon kay Cayetano.

“Pag-upo pa lang, o UN papasukin ba o hindi? Tokhang tanggalin ko, so it’s hard. Then now she’s saying magpapa-briefing siya sa lahat ng departments, lahat ng agencies, eh hindi pa pala nagbi-briefing eh why already all those ideas and criticsms?” sabi pa ni Cayetano.

“Nung tinanggap niya yung position parang mas marami pang oras sa harap ng camera at mas marami pang statement kaysa sa trabaho” pahayag ni Cayetano kung wala pa umano itong nailalatag na plano.

“Just get things done so sinabi niya i-abolish yung oplan tokhang eh ako i-abolish muna yung oplan all talkhang kasi all talk na eh!”dagdag pa nito.

Pinayuhan pa ni Cayetano si Robredo na huwag ipa-media agad ang kanyang mga gagawin gaya ng pag-abolish sa Oplan Tokhang, ang pagsasabi na papayagan ang United Nations at United States na pumunta sa bansa at paghingi ng tips kay Sen. Panfilo Lacson.

“Yung mga drug lord nakatutok sa mga radio sa TV kaya nakikkta ang mga galaw. Mabuti yung mga ganitong operations ay tahimikna naaacomplished. Leni will not only get the support but all the credit kapag nagsuccess ang drug war” dagdag pa nito.

Nilinaw naman ni Cayetano na suportado nya si Robredo, ang tagumpay ng drug war ay tagumpay ng bawat Filipino kaya hangad nya na magtagumpay ito sa kanyang bagong trabaho. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.