Speaker Cayetano, Patas at bukas na pagdinig para sa prangkisa ng ABS-CBN, tinupad ng Kamara

Naniniwala si House Speaker Alan Peter Cayetano na dapat ring dumaan sa mabusising pagdinig ang lahat ng kumpanya na kumukuha ng prangkisa sa Kamara.

Kasunod ito ng ika-12 pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises sa panukala na magbibigay prangkisa sa ABS-CBN media network.

Pagbibigay-diin ni Cayetano na naging patas at bukas ang Kamara sa isinagawa nitong pagdinig kung saan inisa-isa ang umanoy paglabag sa tax at labor laws, pag-isyu ng Philippine depository receipts, multiple channels sa iisang airwave at media bias.

Imbes naman na personal na usigin ang media network ay nagsumite na lamang ng position paper si Cayetano kung saan nito inilahad ang umano’y media bias ng istasyon partikular na noong 2016 national election campaign period kung saan siya tumakbo bilang bise-president at running mate ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon naman kay House Committee on Legislative Franchises Chairman Franz Alvarez na kung matapos sa Miyerkules ang interpellation ay posibleng magsagawa na rin sila ng botohan.

Pero paglilinaw nito na bagamat joint hearing ang kanilang ginagawa kasama ng House Commitee on Good Government ang botohan ay para lamang sa 46 miyembro ng House Committte on Legislative Franchises at sa 44 pang House officials na kinokonsidera bilang ex-officio members.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.