Speaker Velasco, handang maunang bakunahan vs COVID-19 oras na simulan ang vaccination program sa Kamara

Bukas si House Speaker Lord Allan Velasco na isa sa mga unang mabakunahan oras na simulan rin sa Kamara ang rollout ng COVID-19 vaccination program.

Sa isang ambush interview sinabi ni Velasco na ang mga elected leaders ang maunang magpabakuna upang maipakita sa publiko ang kahalagahan ng bakuna.

Aniya mahalaga na maipabatid sa publiko na makatutulong ang COVID-19 vaccine upang makontrol ang sakit.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.