Speaker Velasco; Mga kongresistang sumusuporta, umabot na sa 240

Umakyat pa sa 240 kongresistang nagpahayag ng pagsuporta sa pagiging house speaker ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco mula sa 186 lamang na bilang.

Ito ang kinumpirma ni Deputy Speaker at 1PACMAN Partylist Rep. Mikee Romero.

Kasama sa mga kongresista na sumusuporta kay Velasco ay mula sa LAKAS, Liberal Party, National Unity Party (NUP) at Nacionalista Party (NP) na partido ni dating Speaker Alan Peter Cayetano.

Ang nasabing vote tally ay batay sa kanilang listahan kahapon, ika-14 ng Oktubre.

Sinabi naman ni Senior Deputy Speaker Doy Leachon na malinaw ang naunang pahayag ni Velasco na handa siyang makipagtulungan sa mga kongresista kahit pa ito ay hindi supporters noong una ng kasalukuyang Speaker.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.