Speaker Velasco sa Cha-Cha, hindi pa prayoridad sa Kamara

Malabo na maitulak ng bagong liderato ng Kamara ang charter change.

Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, sa ngayon ay mas kailangan anilang pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang laban sa COVID-19 pandemic.

Kulang din aniya sa oras at panahon para maitulak ang cha-cha lalo pa ngayong nahaharap sa pandemya ang bansa.

Kung siya mismo ang tatanungin ay nais niyang maitulak ang cha-cha lalo na sa pagre-review sa usapin ng term-limit ng mga kongresista na tatlong taon lamang kada termino.

Magkagayunman, kakausapin ni Velasco si Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa usapin ng pagtutulak sa cha-cha at kung ipag-utos nito na dinggin na ito sa Kamara ay kanila namang agad na gagawin.

Sa hiwalay namang panayam ay tinukoy ni Velasco ang livelihood at ayuda sa mga Pilipinong apektado ng pandemya, food security, edukasyon, at kalusugan bilang mga nais niyang tutukan sa 21 buwan niyang pag-upo bilang House speaker.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.