Spox Harry Roque, tinawag na laos at terorista si Joma

Dedma ang Malacañang sa panibagong banat ni CPP Founding Chairperson Jose Maria Sison na si Pangulong Rodrigo Duterte ang chief
political representative ng oligarchy sa Pilipinas.

Buwelta ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque kay Joma, no comment ang Palasyo sa mga salita ng terorista.

Mensahe pa ni Roque sa lider ng Communist Party of the Philippines, laos na siya kaya  hindi na dapat pang patulan.

Mas maiging manahimik na lang at dedmahin ang ano mang pahayag mula sa isang terorista.

Kamakailan lamang ay binanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati, na kanyang nabuwag ang ilang mga oligarch sa bansa ng hindi nagdedeklara ng Martial law, dahilan upang makahanap na naman ng butas si Joma para pulaan ang Presidente na dinedma naman ng Malacañang.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.