Spox Panelo sa 5 US Senators, walang karapatang diktahan ang Pilipinas sa kaso nina De lima at Maria Ressa

watch the video here:

Itinuturing ng Palasyo na panghihimasok sa legal process ng Pilipinas ang panawagan ng limang US senators na palayain si Senator Leila de Lima, at i-drop ang mga kasong isinampa sa Rappler at CEO nitong si Maria Ressa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo, ang resolusyong ito nina US senators Edward Markey, Marco Rubio, Richard Durbin, Marsha Blackburn at Chris Coons, kaugnay sa kaso ng Rappler at Senadora, maging ang pagkundena sa war on drugs ng administrasyon, ay maituturing aniya na pangingialam sa soberanya ng bansa, lalo’t gumugulong na sa ating mga korte ang mga nabanggit na kaso.

Giit ni Panelo, ang Pilipinas ay hindi saklaw ng Estados Unidos o ng mga opisyal nito.

Aniya, walang sino mang government official mula sa banyagang bansa ang may karapatan at kakayahan na diktahan ang Pilipinas kung papaano nito i-a-address ang mga krimen.

Ayon pa kay Panelo, masyado nang maraming problema ang kinahaharap ng Estados Unidos, kaya’t makabubuti na intindihin na lamang nila ang sarili nilang problema.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.