Spox Roque isiniwalat ang bagong korap na opisyal ng LTO

Pinangalanan ni Presidential Spokesman Harry Roque ang isang korap na opisyal ng Land Transportation Office (LTO) sa umano’y pangongotong.

“Okay, since Caindec brought out his own name, yes, I was referring to Caindec. I have affidavits to prove po na kinikikilan niya iyong mga motorcycle distributors, and this is a matter of public document already,” lahad ni Roque.

Si Victor Caindec ay isang regional director ng LTO sa Central Visayas na nasasangkot sa umano’y korapsyon.

“Nang hindi po pumayag na mas mataas iyong kikil na ibibigay sa kanya, saka po siya nagkaroon ng kung anu-anong hadlang,” dagdag pa nito.

Mariing itinanggi naman ito ni Caindec sa isang online press conference.

“From the very beginning I stand for good government together with the President, so iyon po ang motivation. So I’m supported po by public documents and the corresponding charges will be charged,” dagdag nito.

“Zero corruption ang Presidente,” giit ni Roque.

Samantala, binabalaan naman nito ang mga korap na opisyal na magtago na dahil sisibakin ito ng Pangulo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.