Spox Roque kay Trillanes, nagpapapansin dahil mukhang nananaginip na bumalik sa Senado

Muli na namang nananaginip si dating Senador Antonio Trillanes.

Tugon ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap ng pahayag ng dating mambabatas na asahan na gagawin ng Punong Ehekutibo ang lahat para makakapit sa kapangyarihan dahil makukulong aniya ito pagkaraan ng 2022.

Sinabi ni Roque, nagpapapansin lang si Trillanes dahil mukhang nananaginip na bumalik sa Senado.

Hindi na lang daw ani Roque sila magbibigay ng komento sa pahayag ni Trillanes dahil hindi naman kailangan.

Sa kabilang dakoy sinagot din ng Palasyo ang mungkahi ni VP Leni Robredo na dapat ng maglatag ng communication plan para makumbinsi ang maraming mga Pilipino na magpabakuna.

Sinabi ni Roque na lahat ng pinag-uusapan sa regular press briefing ay bahagi ng communication plan ng pamahalaan para sa COVID vaccine program nito.
 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.