Spox Roque kay Trillanes, Nang-iintriga ka lang para mapag-usapan ka at magkawatak-watak ang mga pinoy

Binatikos ng mga kakampi at tagasuporta ni Vice President Robredo si Presidential Spokesperson Harry Roque matapos maglabas ng pahayag laban sa una na dapat itong mag-offer ng mga solusyon para makontina ang Covid-19 pandemic.

Sa isang pahayag ay hinamon ni dating senador Antonio Trillanes IV ang Malacañang na payagan si Robredo na pamunuan ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kung talagang gusto ng gobyerno na ma-flatten ang curve ng Covid-19 sa ating bansa.

Binanatan naman ni Roque si Trillanes sa pagbibigay umano ng ibang kahulugan sa kanyang pahayag “for the sake of political relevance.”

Ayon kay Roque, “We find it really unfortunate that Mr. Antonio Trillanes IV is sowing intrigue and division during this challenging time of Covid-19. Let us not make an issue when there is none.”

Aniya, ang komento niya kay Robredo ay “simply a response to a specific question by media.”

Pinayuhan niya si Trillanes na gawin ang bahagi nito para mapagaan ang dinadala ng mga Pinoy sa harap ng pandemya.

“It is only through our solidarity and cooperation can we heal and recover as one,” ayon kay Roque.

Aniya, hindi kailangan na ilagay si Robredo sa IATF-EID, gaya ng suhestyon ni Trillanes, kung nakakatulong naman ang Vice President “in her own ways and if her intentions are genuine”.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.