Spox Roque sa CHR, walang sinomang pinagbabawalang makibahagi sa mga kilos protesta

Malaya ang sinoman na makibahagi sa mga protesta, lalo’t nakasaad ito sa Bill of Rights.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kasunod ng batikos ng Commission on Human Rights (CHR) sa module ng Department of Education (DepEd) para sa Grade 12 students, kung saan dini-discourage umano ang pagsali sa mga rally.

Ayon kay Secretary Roque, ang DepEd ang dapat na tumugon sa usaping ito. Kasabay nito, nilinaw ng kalihim na walang sinoman ang pinagbabawalan ng pamahaaan na makibahagi sa mga kilos protesta.

Gayunpaman, kailangan aniyang alalahanin na ang mga mag-aaral na tinututukan ng DepEd ay iyong mga nasa elementarya pa lamang at highschool. Ibig sabihin, posibleng nagpapaalala lamang ang departamento na huwag munang makibahagi sa mga demonstrasyon at hindi naman aniya ito para sa mga matatandaang mag-aaral.

Dagdag pa ni Secretary Roque, kahit pa walang sinoman ang pinagbabawalan ng pamahaaan na makibahagi sa mga kilos protesta, kailangan pa rin pag-ingatan ang mga menor de edad, mga bata o ‘yung mga indibidwal na wala pa sa sapat na pag-iisip.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.