Suporta sa Pinoy inventors, tiniyak ng UniTeam

Makakaasa ng suporta mula sa BBM-Sara UniTeam ang mga Pinoy inventors.

Ayon kay presidential candidate Bongbong Marcos at running-mate na si Mayor Sara Duterte, dapat buhusan ng benepisyo, pondo at sapat na suporta ang mga imbentor na Pinoy upang mahikayat silang patuloy na tumuklas ng mga makabagong teknolohiya na mapakikinabangan ng bansa sa mga darating na panahon.  

Diin ni Marcos, dapat ay sa eskuwelahan pa lamang ay malinang na ang kakayanan ng bawat mag-aaral.

Halimbawa nito ang pagpapalakas sa kalidad ng solar panels na malaking tulong upang maibsan ang problema ng mataas na kuryente sa bansa.

Kinikilala ni Marcos ang mga naglalabasang makabagong teknolohiya at isa na rito ang mga solar panel na kahit sa malilit na kabahayan ay nagagamit na rin ngayon.

Karamihan sa mga ito ay gawa sa labas ng bansa, partikular na sa Tsina. 

Naniniwala si Marcos na mayroon na ring mga Pilipino ang nagtatangkang gawin ito ngayon, ngunit hindi pa ganoon kalakas sa merkado.

Isa na rito ang Liter of Light na imbensiyon ni Filipino innovator Illac Diaz kung saan ay isang solar lamp ang napailaw mula sa recycled plastic soda.

Ang mga ganitong uri ng imbensiyon aniya ay malaking inspirasyon at karangalan sa bansa, bukod pa sa makatutulong para sa pagsugpo sa global warming.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.