Susunod na hearing para sa apela ng ABS-CBN sa Supreme Court itinakda sa Hulyo 13

Itinakda na ng Supreme Court (SC) ang susunod na pagdinig sa petisyon na isinampa ng ABS-CBN para ibasura ang cease and desist order na nagpahinto sa kanilang operasyon. Ang pagdinig ay gagawin sa Hulyo 13 ayon kay Chief Justice Diosdado Peralta.

“It will be deliberated on July 13 because we waited for the comments of the House of Representatives, the lower and upper house and I think we only received the comments last Monday (June 8). I don’t know if the resolution will already be ready by then,” ayon kay Peralta sa ginanap na online press conference.

Bukod sa Mababang Kapulungan at Senado, inatasan din ng SC ang National Telecommunications Commission (NTC) noong Mayo na magkomento sa petisyon na inihain ng broadcast firm.

Inatasan din ng SC ang NTC na magsumite ng kasagutan sa loob ng limang araw “from personal notice of the comments of the Senate and the House of Representatives”.

Aprubado naman kay Solicitor General Jose Calida ang inisyatiba ng Congress na simulan ang proseso ng pagtalakay kung dapat ba o hindi na pagkalooban ng legislative franchise ang ABS-CBN.

Aniya ay “consistent” ito sa pananaw ng kanyang tanggapan na ang prangkisa ay kinakailangan para sa operasyon ng radio and television stations sa ating bansa.

Ang Congress ang may “exclusive and plenary power” para magkaloob ng prangkisa, “which must be specified in the form of a statute”.

Sa isang liham noong Abril 30 ay pinayuhan ni Calida ang NTC na ang “provisional authority” ay hindi maaaring ipagkaloob “in the absence of a law mandating a legislative franchise”.

Sinabi rin ni Calida na sang-ayon siya sa pananaw ni House Speaker Alan Peter Cayetano na “ABS-CBN’s alleged violations must be investigated”.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.