Susunod na hepe ng PNP: 3 opisyal inirekomenda kay Pangulong Duterte

Tatlong police official ang inirekomenda ni Interior Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte para pagpilian nito na kapalit ni Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde.

Inaasahang itatalaga ng Pangulo ang ika-23 PNP chief matapos magbitiw si Gen. Oscar Albayalde bago pa siya sumapit sa mandatory retirement age na 56 sa Nobyembre 8.

Nirekomenda ni Año sina Lt. Gen. Camilo Cascolan, Maj. Gen. Guillermo Eleazar, at Lt. Gen. Archie Gamboa.

Si Gamboa ang may hawak sa ikalawang pinakamataas na posisyon sa PNP bilang deputy chief for administration habang si Cascolan ang third-highest post bilang deputy chief for operations.

Fourth-highest position naman si Eleazar bilang hepe ng directorial staff matapos maging director ng National Capital Region Police Office.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.