Task Force na sisilip sa mga pangungurakot sa gov’t offices, pinabuo ni PRRD dahil sa magandang resulta ng Task Force PhilHealth

Dahil na rin sa bigat ng korapsyon sa bansa kaya nagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na lumikha ng Task Force na sisilip sa mga nagaganap na katiwalian sa lahat ng ahensya ng pamahalaan.

Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong may direktiba na si Pangulong Duterte kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra.

Bukod sa tindi ani Roque ng katiwalian sa pamahalaan, sinabi ni Roque na isang dahilan din sa paglikha ng Task Force ng Pangulo na sisiyasat sa lahat ng government agencies ay ang naging kinalabasan naman ng pagbuo ng Task Force PhilHealth.

Naging epektibo aniya ang Task Force PhilHealth sa paghalukay ng katiwalian gayung tulong-tulong dito ang iba’t ibang mga tanggapan ng gobyerno.

Mismong ang Pangulong Duterte ay nagsabing lumalakas pa sa halip na humina ang korapsyon sa bansa pero naniniwala aniya siyang may magagawa pa rin siya laban dito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.