Task Force PhilHealth, kumpiyansa na matatapos ang imbestigasyon sa itinakdang deadline

Tiniyak ni Justice Undersecretary Adrian Sugay na matatapos ng binuong Task Force Philhealth and imbestigasyon nito sa itinakdang deadline ni Pangulong Duterte.

Sa pagharap ni Sugay sa pagdinig ng Kamara upang mag-bigay ng update sa takbo ng imbestigasyon ng taskforce, sinabi nito na posibleng isa hanggang dalawang meeting pa ang kanilang isasagawa bago ito i-wrap up at isumite sa pangulo.

Tiniyak naman ni Sugay kay House Committee on Public Accounts Chair Mike Defensor at iba pang mambabatas, na kung mapapatunayan na plunderous ang naging compromise agreement sa kaso ng Cardinal Santos gayundin ang anomalya sa audit ng ahensya ay sasampahan nila ng kaso ang mga sangkot na indibidwal.

Nilinaw din nito na batay sa rekomendasyon ni Ombudsman Samuel Martires.

Lahat ng kaso na isasampa na may kaugnayan sa anomalya sa Philhealth ay dapat idaan o i-course thru sa Task Force.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.