Tatlong Dalian trains sa MRT-3 umarangkada na

Umarangkada na ngayong Lunes ang tatlong set ng Dalian train sa MRT-3 upang maserbisyuhan ang mas marami pang pasahero.

Ayon sa Department of Transportation na nadagdagan pa ang mga bumabyaheng tren na ngayong ay nasa 19 na kung saan 16 dito ang CKD train sets.

Mahigpit pa rin namang ipinatutupad ang ‘No Face Shield and Face Mask, No Entry’ sa mga istasyon.

Bawal pa rin ang pakikipag-usap, pagsasalita, at pagsagot ng tawag sa telepono, maliban na lamang kung emergency ito, sa loob ng mga bagon ng tren bilang pag-iingat na rin sa pagkalat ng coronavirus disease.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.