Tatlong miyembro ng Minority bloc sa Kamara lumipat sa Majority bloc

Nabawasan pa ng tatlong miyembro ang Minority Bloc sa Kamara matapos na tatlo sa mga miyebro nito ang lumipat sa Majority Bloc kasunud na rin ng pag-upo ni House Speaker Lord Allan Velasco.

Kabilang sa mga lumipat sa mayorya ay sina Buhay partylist Rep. Lito Atienza, Ako Probinsyano Rep. Jose Singson at Marikina Rep. Bayani Fernando.

Ang tatlo ay kapwa bumoto pabor sa pag-upo ni Velasco bilang House Speaker.

Samantala, si Albay Rep. Edcel Lagman na bagamat sumuporta kay Velasco ay nanindigang mananatili sya bilang Independent Minority.

“Even as I remain a member of the independent opposition or as an authentic minority Representative, I am ready to support Speaker Velasco’s policies and advocacies which will redound to the welfare of the Filipino people, particularly the disadvantaged and marginalized,” paliwanag ni Lagman Kung saan ang pagboto umano nito kay Velasco ay dahil naniniwala syang dapat na respetuhin ang pinagkasunduang term sharing agreement.

Sa panig ng Minority Bloc, sinabi ni House Minority Leader Benny Abante na makikipagtulungan sila sa Majority Bloc.

“This we pledge to do regardless of who occupies the office of the Speaker—the holder of which is determined by those who belong to the Majority. We have, for the past few days, been concerned observers as our friends in the Majority resolved who would lead the House in the coming months.”paliwanag ni Abante.

Umaasa naman si Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na ngayong tapos na ang kaguluhan sa Kamara ay balik trabaho nang muli at tutukan ang mga kinakailangang panukala na tutugon sa problema sa healthcare at coronavirus pandemic.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.