Tatlong most wanted, arestado ng CIDG

Naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tatlong most wanted persons sa magkakahiwalay na operasyon kamakalawa.

Kinilala ang mga nahuli na sina Sanchez Nathalie, no. 6 most wanted sa San Juan, Batangas; Ariel Noveras, no. 3 most wanted sa Carranglan, Nueva Ecija, at Rady Elias, no. 1 most wanted sa Batan, Aklan.

Si Nathalie ay naaresto sa Batangas sa bisa ng warrant of arrest para sa syndicated estafa.

Si Noveras na umano’y lider ng grupo na sangkot sa swindling at theft sa Nueva Ecija, Quezon City, at La Union, ay nahuli sa Quezon City sa bisa ng warrant of arrest para sa theft.

Samantala, si Elias na miyembro ng Rado Group na sangkot sa Robbery/Hold-up sa Bulacan at kalapit na lungsod ay nahuli sa Maynila sa bisa ng alias warrant of arrest para sa rape.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.