Tatlong private health facilities kinasuhan sa anomalya sa PhilHealth

Kinasuhan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong pribadong health facilities sa Mindanao dahil sa pangongolekta ng sobra mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Kabilang sa mga sinampahan ng kaso ang health care provider sa Zamboang del Norte, Koronadal City at Davao del Norte, ayon kay PhilHealth president at chief executive officer Dante Gierran.

Ayon sa opisyal, ang lahat ng ito ay may kinalaman sa umano’y pandaraya na ginawa laban sa Philhealth na tinaguriang upcasing, upcoding, upbilling at iba pa.

May kaugnayan din umano ito sa kasong isinampa sa mga PhilHealth officers hinggil sa Interim Reimbursement Mechanism scheme.

May kinalaman din ito sa naturang modus sa pagpapataas ng kinokolekta kung saan pinapalitan ang diagnosis condition ng pasyente para malakolekta ng mas malaki sa PhilHealth.

Ang mga irregular claims sa “ghost” dialysis patients ay nabulgar noong nakaraang taon.

Bukod pa rito, iniimbestigagan rin ang iba pang isyu may kinalaman sa overpriced COVID-19 testing benefit packages, overpriced IT projects, at ang health insurance agency’s misplaced investments na naglakahalaga ng ₱866 milyon sa common shares, sa kabila na limitado lamang ang PhilHealth sa mga preferred stocks lamang.

Nalaman din na may admitted 7,500 reports at kaso ng umano’y pamemeke na hindi pa nareresolba ng PhilHealth’s central office.

“That’s a very hard job. This reported alleged frauds existed a long, long time ago and this cost something like ₱150 billion according to the report of the COA,” ani Gierran.

“If I can only create a dent on those alleged corruptions in PhilHealth, then I will be happy and go back to my hometown happy,” punto pa ng opisyal.

Ayon pa kay Gierran bukod sa internal cleansing drive ay nagsasagawa na rin ng imbestigasyon sa anomalya ng Philhealth ang Presidential Anti-Corruption Commission, Office of the Ombudsman, at Cabinet-level task force sa pangunguna ng Department of Justice (DOJ).

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.