Ted Failon aalis na sa ABS-CBN

Pormal nang inanunsyo ng ABS-CBN ang paglisan sa kanilang network ng batikang mamamahayag na si Ted Failon.

Sa nilabas na statement ng Kapamilya network nitong Linggo, sinabi na huling beses nang mapapanood si Ted sa ‘TV Patrol’ at ‘Failon Ngayon sa TeleRadyo’ sa Agosto 31.

Saad ng ABS-CBN, ang pagpapatigil sa kanilang radio broadcast operation ang naging dahilan ng pag-alis sa kanilang poder ni Failon.

30 taong nagsilbi si Ted sa nasabing network, na nagsilbing main anchor ng kanilang mga newscast.

“Si Ted ay mananatiling isang Kapamilya habambuhay,” ayon sa pahayag. “Hangad namin ang ikabubuti niya sa daang kanyang tatahakin.”

May mga ilang report na nagsasabing lilipat na sa kampo ng TV5 si Failon, na posible nang mangyari sa kanyang pag-alis sa ABS-CBN.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.