Text at tawag ni Sec Salvador Panelo hindi sinasagot ni VP Leni Robredo

Hindi sinasagot ni Vice President Leni Robredo ang mga tawag sa kanya sa cellphone ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

watch the video here:

Tatlong beses na tinawagan ni Panelo ang Bise Presidente sa harapan ng media subalit kahit isa rito ay hindi nito sinagot.

Ipinakita rin ni Panelo ang text nito kay VP Leni noong Lunes para patunayang ipinaabot nito ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawin itong drug czar sa loob ng anim na buwan.

Inihayag naman ng Vice President na wala siyang natanggap na text message mula kay Panelo.

Hindi naman inisip ni Panelo na iniisnab ng Vice President ang mga tawag nito na aniya ay posibleng busy lamang ito sa trabaho o kaya ay naka-silent mode ang cellphone kaya hindi narinig ang kanyang mga tawag.

“Hindi, hindi naman puwedeng mabastusan kasi dati naman kaming nagte-text. Magkaibigan kami. Baka naman hindi niya nabasa or baka naman busy,” ani Panelo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.