TIGNAN: Mayor Sara Duterte, Mindanao Media Hub pinasiyaan ngayong araw

Pinangungunahan ng anak na babae ng Pangulo at ng Davao City Mayor Sara Duterte ang inauguration ng Mindanao Media Hub ng gobyerno ngayong araw.

Ang MMH ay isang 5 palapag na gusaling kumpleto sa kagamitan na may kasangkapan sa pag-broadcast na state-of-the-art at kagamitan na nakalagay sa mga tanggapan sa Mindanao ng mga nakakabit na ahensya ng Presidential Communications Office (PCOO) at mga studio ng People’s Television (PTV) at Philippine Broadcasting Service (PBS).

Dahil may pandemya, naging simple at maigsi lamang ang programa nina Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, PCOO Asst. Sec. Joseph Garcia; Bureau of Broadcast Services-Philippine Broadcast Service Director General Bong Aportadera; News and Information Bureau Director Gigie Agtay, Ruoda Hernandez ng PTV Davao, at Davao City Mayor Inday Sara Duterte na siyang guest of honor sa inauguration.

Sinimulan ang inauguration sa ribbon cutting nina Sec. Andanar kasama si Mayor Inday Sara.

Nagkaroon lamang ng maikling programa sa loob kung saan si Sec. Andanar ang nagbigay ng Opening Remarks, saka sinundan ng mensahe mula kay Davao City Mayor Sara Duterte.

Nagpalabas din ng AVP para sa mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinundan din agad ito ng photo ops, at tour sa buong pasilidad at sa pagtatapos ng programa.

Ang Mindanao Media Hub ay nagkakahalaga ng P700 million na naglalayong maging main broadcast hub ng gobyerno para sa Region 10, 11, 12, 13, at BARMM.

Iha-house dito ang mga attached agencies ng PCOO at ang dalawang studio ng People’s Television at Philippine Broadcasting Service.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.