TINGNAN: 142 motorsiklo, ipinagkaloob ng Korea sa PNP

Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen Oscar Albayalde ang turnover at blessing ceremony ng 142 motorsiklo na donasyon ng Korea.

Ang programa na isinagawa sa tapat ng PNP National Headquarters sa Camp Crame ay dinaluhan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Dito ay pormal na iprinisenta ni Korea National Police Agency (KNPA) Commissioner General Min Gab-Ryong ang mga motorsiklo kay PNP Chief Pbgen Albayalde, na sinaksihan ni DILG Sec. Año at Korean Ambassador Han Dong-man.

Ang mga motorsiklo ay bahagi ng 6.6 milyong dolyar na grant aid ng Korea sa Pilipinas para mapalakas ang kapabilidad ng PNP.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni General Min Gab-Ryong, na lubusan ang pasasalamat ng Korea sa pagtulong ng Pilipinas sa Korean War noong 1950s, kaya ngayon ay nais naman nilang suklian ang kabutihang ipinakita ng Pilipinas sa Korea.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.