TINGNAN: 90 bagong big-bike ng PNP, gagamitin vs. riding-in-tandem

Magiging mas epektibo ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa riding-in-tandem motorcycle criminals sa pagdating ng 90 bagong 1,000cc motorcycles.

Ito ang sinabi ni PNP Chief PGen. Camilo Pancratius Cascolan matapos na iprisinta sa kanya kahapon ang mga motor sa Camp Crame na bahagi ng 559 na milyong pisong halaga ng equipment at mobility assets na binili ng PNP.

Bukod sa mga motorsiklo, kasama sa mga bagong kagamitan ng PNP ang 92 units ng Patrol Jeep Single Cab, anim na units ng 4×4 Personnel Carrier, 7,700 units ng Galil Ace 5.56mm Basic Assault Rifle at 434 units ng Digital Handheld Radio.

Ayon sa PNP chief, ang anim na units ng personnel carrier at 90 motorsiklo ay mapupunta sa PNP Maritime group at sa Highway Patrol Group (HPG) para ma-boost ang kanilang kapabilidad.

Sinabi ni Gen. Cascolan na ang pagpapalakas ng high-speed tactical response ng kanilang mga motorcycle units ay bilang pagtupad sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin na ang mga riding-in-tandem crimes.

Photos courtesy of PNP-PIO

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.