TINGNAN: Delivery rider, tumigil sa kalsada para maka-attend sa kanyang online class

Naging viral ngayon sa social media ang isang college student na nagtatrabaho bilang isang deliveryman upang suportahan ang kanyang edukasyon.

Umani ng pagka-galak si Ax Valerio, isang 21-year-old communications student sa Adamson University sa mga netizens matapos na i-post ng netizen na si Christian Lorenz Nuñez ang larawan nito sa facebook.

Makikita sa larawan na pansamantalang tumigil si Valerio sa kanyang delivery upang maka-attend ito sa kanyang online class.

Ayon kay Valerio, pinili nitong magtrabaho upang makatulong sa kanyang pamilya lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Aniya, hindi siya pwedeng huminto sa pagtatrabaho at pag-aaral dahil sa na-stroke ang kanyang ama at wala makatutulong sa kanyang ina para sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.

Matatandaan na sa kasagsagan ng pandemic, maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa mga lockdown at paghihigpit na ipinatutupad sa buong bansa upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.

Kasabay ng paghimok sa publiko na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan, sinuspinde rin ng gobyerno ang face-to-face classes at ipinatutupad ang distance learning methods tulad ng online classes.

Marami sa mga estudyante sa buong bansa ang nahirapang magkaroon ng access sa edukasyon sa kalagitnaan ng COVID-19 Pandemic, dahil na rin sa kawalan ng sapat na kagamitan para makasunod sa remote learning at mga online class.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.