TINGNAN: EDSA People Power sinabayan ng Run, Sara, Run motorcade

Kakaiba sa nakasanayan na tumpok ng mga tao na nagsasagawa ng pagkilos ang bumungad sa ika-35 anibersaryo ng EDSA People Power ngayong Huwebes, Pebrero 25.

Mula sa Alyansa ni Mayor Inday Sara, nagsagawa ng caravan sa People Power Monument ngayong Huwebes para magbigay suporta kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo bilang presidente sa 2022 election.

Nasa 300 sasakyan at 500 motor riders ang umokupa ng daan na pawang tagasuporta ng alkalde sa ginawang motorcade mula Heritage Pasay papuntang Quezon City circle.

Layon ng grupo na ipakita ang suporta at hikayatin si Inday Sara na tumakbo sa 2022 elections.

Ayon kay Allan Richard Lacson, national coordinator- ng “Samahang Mamamayan Para sa Pagbabago na pawang mga taga-Metro manila anya lahat ang mga sasama sa kanilang motorcade.

Samantala, iginigiit pa rin ni Inday Sara na hindi pa rin siya tatakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections kahit pa naglipana na ang mga poster, maging sa kabila ng ikinasa motorcade para sa kanya.

“Sa ngayon, no. There is no chance na magbago ang isip ko. Anong mga rason ko? I do not want to enumerate the reasons, hindi lang ito isa, marami, because hahaba ang usapan at baka maka-offend and may ma-hurt na mga tao,” ayon sa alkalde sa isang ulat.

Sa kabila nito, ay nagpapasalamat siya sa mga sumusuporta sa kanya.

“Nagpapasalamat ako sa trust at confidence nila sa akin,” dagdag ng alkalde.

Nanguna naman kamakailan ang alkalde sa isinagawang sarbey ng OCTO Research para sa napupusuan ng mga Pinoy sa pagkapangulo at pangalawang pangulo ng bansa sa 2022.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.