TINGNAN: Halagang P1.2-B kagamitan, mga sasakyan binili ng PNP

Umabot sa P1.2 bilyon ang halaga ng mga kagamitan at sasakyan na binili ng Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes bilang bahagi ng modernization program sa ilalim ng police’s PATROL Plan 2030.

Ang mga bagong kagamitan na pag-aari ng PNP ay ang mga sumusunod: he newly-procured assets include the following: 11 units Shuttle Bus; 22 units High-Speed Tactical Watercraft; 355 units Patrol Jeep Single Cab 4×2; 5,767 units Galil Ace 22N 5.56mm Basic Assault Rifle; at 214 units VHF Lowband Handheld Radio.

Pinangunahan ni PNP chief P/Gen Camilo Pancratius Cascolan ang pagbabasbas at pamamahagi ng mga kagamitan at mga sasakyang kaninang umaga sa Camp Crame. Sinabi ni Cascolan, ang pinakahuling pagbili ay pinondohan sa pamamagitan ng Capability Enhancement Programs (CEPs) 2019, 2020 at balanse sa CEP 2019 na may kabuuang halaga na P1,221,601,033.

Sinabi rin ng hepe ng PNP na ang 11 bus units ay ipapamahagi sa mga police regional offices bilang mga bahagi ng transportasyon upang mapabilis ang responde sa operasyon. Ang 22 units High-Speed Tactical Watercrafts ay gagamitin ng PNP Maritime Group at Special Action Force para sa pagpapatrulya at anti-criminality operations sa mga baybayin at karagatan, ani Cascolan.

Iginiit pa ni Cascolan na ang Patrol Jeep Single Cab 4×2 ay ipapamahagi sa iba’t ibang municipal police stations sa buong bansa upang palakasin police patrol operations. Ayon pa kay Cascolan, ang Police Mobile Forces ang gagamit ng 5,767 units Galil Ace 22N 5.56mm Basic Assault Rifle habang ang 214 units VHF Lowband Handheld Radio ay ibibigay sa Communications and Electronics Service.

Tumanggap din ang pulisya ng dalawang units ng 2020 Toyota Coaster at isang unit of Nissan Urvan NV350 Cargo Shuttle mula sa Armed Forces and Police Mutual Benefit Association, Inc.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.