TINGNAN: Hinalikan ni Pangulong Duterte ang lupa sa pinangyarihan ng pagsabog sa Jolo Sulu

Personal na bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Jolo Sulu nitong Linggo at dumiretso sa lugar kung saan naganap ang Jolo Blasts upang alalahanin ang mga nasawi sa insidente.


Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Linggo ang bayan ng Jolo sa Sulu, halos isang linggo matapos ang kambal na pagsabog ay nag-iwan ng hindi bababa sa 15 patay at maraming nasugatan, kumpirmado ng Malacañang.


Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bumisita si Pangulong Duterte sa Jolo, Sulu para makiramay sa mga biktima ng magkasunod na pagsabog doon at nakipag-usap sa Alkalde.


“Inaasahan siyang bumalik ng Manila ngayong gabi,” saad ni Roque.

Ang Pangulo ay nanatili sa kanyang bayan sa Davao City, bago pa man gawin ng Abu Sayyaf Group ang mga pambobomba noong Lunes. Sinabi ng mga opisyal na siya ay “ligtas” at nasa isang “mabuting kalagayan” kasunod ng insidente.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.