TINGNAN: Malawakang paglilinis ng mga ilog at estero sa Maynila, inilunsad

watch the video here:

Nagtulong-tulong ang daan-daang volunteer mula sa iba’t ibang sektor upang maglunsad ng cleanup ngayong Linggo sa siyam na ilog at dose-dosenang estero sa Metro Manila.

Kabilang sa inisyal na bilang ng 1,500 volunteers ay ang mga empleyado ng gobyerno at bumbero, ayon sa Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC).

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, ang cleanup ay nakatuon muna sa pangunguha ng mga basura na susundan ng pagpapababa ng coliform level.

“Habang pumupunta kami sa esteros, maraming hidden problems ang lumalabas. We will implement properly the Ecological Waste Management Act,” ani Cimatu sa Estero de Magdalena sa Tondo.

Nagsagawa rin ng inspeksyon si Cimatu sa Tripa De Galinna creek na konektado sa Parañaque River, kung saan siya sinamahan nina Interior Secretary Eduardo Año at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim.

Muli naman pinaalala ni Año ang kaniyang utos sa mga opisyal ng 5,700 barangay sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon na maglunsad ng lingguhang cleanup ng mga daluyan ng tubig sa kani-kanilang mga lugar bilang parte ng rehabilitasyon ng Manila Bay, nagsimula noong ika-27 ng Enero.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.