TINGNAN: Mga grupo todo jogging, biking vs. ‘white sand’ sa Manila Bay

Kakaiba ang pakulo ng mga mangingisda at environmentalist upang ipanawagan ang “ayuda at pagkain, hindi buhangin!”
Ang tinututulan ng Pamalakaya, Nilad, Manila Baywatch, at Baseco Peoples’ Alliance ay ang “beach nourishment project” ng Department of Environment and Natural Resources o ang pagtatambak ng synthetic na puting buhangin sa Manila Bay.
Environmental groups led by PAMALAKAYA hold a “Jogging & Biking vs. Dolomite Dumping” protest along baywalk in Manila Bay on Friday. The group called for rehabilitation of the bay instead of “aesthetic surgery” through dumping white sand on shores of the bay. | via George Calvelo pic.twitter.com/hXDAIeLqZc
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) September 11, 2020
Wika ng mga grupo na nag-jog at nag-bike mula Rajah Sulayman Park hanggang Manila Baywalk kanina, habang sinusunod ang social distancing, imbes na “aesthetic surgery” ay magsagawa ng totoong rehabilitasyon sa bay.
“Ayuda at pagkain, hindi buhangin!”
— Youth Strike 4 Climate Philippines 🌏🇵🇭 (@youth4climatePH) September 11, 2020
PAMALAKAYA & environmental groups call for rehabilitation of Manila Bay this morning. The protest is about the planned reclamation & the "aesthetic surgery” through the “white sand” filling of the coastal area by the Environment Department. pic.twitter.com/B1fvqm1HF3
“We demand immediate termination of this project, as it does not benefit the fishers and poses harm to the environment,” ayon pa sa fisherfolk group na Pamalakaya, Setyembre 11.
Kinuwestiyon din ng mga grupo ang ginamit na pondo para sa proyekto ngayong maraming mga Pinoy ang sinalanta ng pandemyang COVID-19. Una nang sinabi ng DENR na ang badyet para sa programa ay mula pa sa pondo noong 2019.
Tinawag na "Jogging and Biking versus Dolomite Dumping” ang protesta ng grupong PAMALAKAYA, Nilad, Anakpawis, Kabataan, Manila Baywatch atbp. | via RH 29 @boy_gonzales #DZRHNationwide pic.twitter.com/CQ0a839dxh
— DZRH NEWS (@dzrhnews) September 11, 2020
Ang ginigiit ng mga kritiko, ang “white sand”, na sa totoo ay pininong dolomite rock mula Cebu, ay maaaring magdulot ng respiratory illness sa mga taong makalalanghap nito.